Kapag wala kang magawa at madalas nasa bahay ka lang, madalas mong sabihin sa sarili mo “Ganito lang ba talaga ang Summer ko? Lilipas na namang ganito ang buhay ko?”. Yung mga oras na hindi mo namamalayan na lilipas na, tapos magugulat ka nalang kinabukasan pasukan na. Yung pakiramdam na wala kang nagawa o na accomplish dahil ni isa sa mga kaibigan mo eh walang binalak na gala o kung ano mang bonding na maaring magawa kapag bakasyon.








